Passport appointment, Marso ang pinakamaaga: DFA website

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2017 09:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ibinalita ng Department of Foreign Affairs (DFA) na anim na linggo na lang ang hihintayin para makakuha ng appointment ang mga passport applicant sa ilang sangay.

"From three months waiting time to schedule an appointment online, it's now down to six weeks," ani Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Pero batay sa DFA website, buwan pa rin ang bibilangin bago makakuha ng appointment sa ilang sangay ng DFA, gaya ng DFA Manila sa Aseana na Marso 20, 2018 pa ang pinakamaagang available appointment.

Puno na hanggang Marso ang appointment sa DFA National Capital Region East (SM Megamall), North (Robinsons Novaliches), Northeast (Ali Mall), South (Alabang), West (SM Manila) at Angeles (Marquee Mall).

EARLIEST AVAILABLE APPOINTMENT
(Ayon sa datos na nakuha noong Disyembre 21)
• Enero 11 - Puerto Princesa
• Pebrero 1 - Tacloban
• Pebrero 6 - Tuguegarao
• Pebrero 12 - Cotabato
• Pebrero 14 - General Santos 
• Pebrero 20 - Legazpi
• Pebrero 22 - Iloilo
• Pebrero 27 - La Union
• March 13, 2018 - Bacolod
• March 15 - Baguio
• March 12 - Calasiao
• March 15 - Davao

Balak ng DFA na magpadala ng dagdag na makina at tauhan para mapabilis ang pagproseso ng mga pasaporte.

Ayon kay Cayetano, pito hanggang siyam na consular office ang idadagdag sa iba-ibang bahagi ng bansa.

Magpapakalat din ng apat na van na may limang makina na nakakapagproseso ng hanggang 100 pasaporte kada araw.

Bagaman layunin ng DFA na idaan sa walk-in ang mga passport application, mainam pa rin umano ang pagtakda ng appointment online.

-- Ulat nina Willard Cheng at Mike Navallo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.