Marine, patay sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2017 05:17 AM

Patay ang isang miyembro ng Philippine Marines matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa IBP Road, Barangay Commonwealth, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Elmer Paulino, 39-anyos.

Batay sa paunang imbestigasyon, pasakay na ng kanyang tricycle si Paulino nang lapitan ng salarin na nakasuot ng face mask.

Maya-maya, malapitang pinagbabaril ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Ayon sa kinakasama ni Paulino, namasada muna ng tricycle ang biktima habang inaayos ang pagbalik serbisyo niya.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril pero dati umanong gumagamit ng ilegal na droga ang biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.