Biyahe ng mga RORO bus pa-Visayas at Mindanao, ipinatigil ng LTFRB

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2017 05:29 PM

Ipinatigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbiyahe ng mga roll-on/roll-off (RORO) bus patungong Visayas at Mindanao sa harap ng napipintong pananalasa ng "Bagyong Vinta."

Paliwanag ni LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, ito'y para masigurong walang maii-stranded na pasahero sa kasagsagan ng bagyo.

"Wala na po munang buses, end point ay Bohol kase mai-stranded lang po kayo doon if you are going to Mindanao area," ani Lizada.
    
Sa ngayon, hanggang sa Bohol lang muna pinapayagang makabiyahe ang mga bus.

Inabisuhan na rin ng LTFRB ang mga bus terminal sa Maynila, Pasay at Cubao sa pansamantalang pagpigil sa mga biyahe.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.