PatrolPH

Pulis na bumibili ng ice cream patay matapos barilin sa Ormoc City

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2020 02:32 PM

Pulis na bumibili ng ice cream patay matapos barilin sa Ormoc City 1
Patay ang isang pulis matapos barilin habang bumili siya ng ice cream sa Ormoc City noong Disyembre 19, 2020. Retrato mula kay Elvie Roa

Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang salarin habang bumibili siya sa tindahan sa Ormoc City gabi ng Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Corp. Ruffy Pepito, 38 taong gulang at naka-assign sa Silago Municipal Police Station.

Ayon sa paunang impormasyon, bumibili si Pepito ng ice cream nang biglang may dumating na itim na SUV.

Isang armadong lalaking naka-camouflage ang bumaba mula sa sasakyan at pinagbabaril ang biktima.

Agad nakatakas ang salarin.

Wala nang buhay si Pepito nang dumating ang mga rescuer.

Patuloy ang imbestigasyon ng Ormoc police sa krimen.

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.