PatrolPH

96 pamilya inilakas sa barangay sa Tuguegarao dahil sa baha

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2020 12:58 PM | Updated as of Dec 20 2020 02:00 PM

96 pamilya inilakas sa barangay sa Tuguegarao dahil sa baha 1
Lubog sa baha ang ilang luga rsa Barangay Annafunan East, Tuguegarao City nitong Disyembre 20, 2020. Retrato mula kay Gerald Valdez

Aabot sa 96 pamilya sa Barangay Annafunan East, Tuguegarao City ang inilikas matapos malubog sa baha ang kanilang mga bahay bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Ayon kay Gerald Valdez, chairperson ng Sangguniang Kabataan sa Tuguegarao, nasa 250 bahay ang binaha kaya inilakas ang mga pamilya, na katumbas ng 350 indibiduwal, sa Annafunan Integrated School.

Nasa halos 3 metro ang taas ng baha pasado alas-9 nitong umaga ng Linggo.

Hindi na rin madaanan ang bahagi ng provincial road sa barangay, na mula Bancud Street hanggang Aquino Street. 

96 pamilya inilakas sa barangay sa Tuguegarao dahil sa baha 2
96 pamilya inilakas sa barangay sa Tuguegarao dahil sa baha 3
96 pamilya inilakas sa barangay sa Tuguegarao dahil sa baha 4

Lubog sa baha ang ilang luga rsa Barangay Annafunan East, Tuguegarao City nitong Disyembre 20, 2020. Retrato mula kay Gerald Valdez

Lubog sa baha ang ilang luga rsa Barangay Annafunan East, Tuguegarao City nitong Disyembre 20, 2020. Retrato mula kay Gerald Valdez

Lubog sa baha ang ilang luga rsa Barangay Annafunan East, Tuguegarao City nitong Disyembre 20, 2020. Retrato mula kay Gerald Valdez

Nakaranas ng masamang panahon ang ilang bahagi ng bansa nitong mga nagdaang araw dahil sa bagyong Vicky, na inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility nitong hapon ng Linggo.

Sa paglabas ng Bagyong Vicky, isang bagong low pressure area naman ang namataan ng PAGASA sa may Catanduanes.

Magugunitang nakaranas ng matinding pagbaha ang Tugugegarao City noong nakaraang buwan matapos manalasa ang Bagyong Ulysses.

-- Ulat ni Harris Julio

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.