Lolong 'nanalisi' sa Novaliches, arestado

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2019 05:29 AM | Updated as of Dec 20 2019 09:47 AM

Watch more in iWantTFC

QUEZON CITY—Arestado ang isang 62 anyos na lalaki matapos nakawin umano ang isang wallet Huwebes ng gabi sa Novaliches, Quezon City.
 
Ayon kay Police Cpl. Giovani Merilo ng Novaliches Philippine National Police, araw-araw dumarayo sa Barangay Novaliches Proper ang suspek upang magsolicit o manghingi ng pera sa mga residente.

Walang pamilya o trabaho ang suspek.
 
Alas-7 ng gabi nang mag-iikot sa nasabing lugar ang suspek para muling magsolicit ng pera, nang mapansin niya na nakalagay malapit sa may balkonahe ang wallet ng biktima.

Dito niya tinangay ang mamahaling wallet na may lamang pera na nagkakahalagang P90,000.

Sa tulong ng CCTV ay nalaman ang krimen at nagkasa agad ng follow-up operation para maaresto ang suspek.

Nasa P43,000 na lamang ang narecover ng mga pulis matapos itapon ng suspek ang wallet. Mahaharap sa kasong theft ang suspek.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.