MAYNILA - Nagpayo ang Department of Health na maghinay-hinay ng pagkain sa mga handaan ngayong Disyembre.
Ito ay dahil dumarami umano ang nagpapatingin sa sakit na high blood at diabetes.
Ayon kay Health spokesperson Eric Domingo, may tamang alokasyon sa pagkain na dapat sundin para siguraduhing healthy ang kinakain.
"'Yung plato mo dapat pinakamarami ang gulay. Second 'yung carbohydrates. 'Yung mga lechon matchbox size lang kaya dapat isa dalawang piraso lang," ani Domingo.
Kahit pa umiinom ng maintenance, dapat pa ring maghinay-hinay sa pagkain, dagdag niya.
Hindi rin daw dapat ginagawang meryenda ang mga panghimagas.
Pagkatapos aniya ng Kapaskuhan, dapat nang bumalik sa pagdi-diyeta at pag-ehersisiyo.
Nagpaalala rin si Domingo na magpatingin sa doktor kung may nararamdamang masama.
-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, TV Patrol, Pasko, Christmas, diet, diyeta, maintenance, miryenda, pagkain, food, balanced diet, Eric Domingo