Bata sugatan matapos masabugan ng bala ng grenade launcher

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2019 10:57 PM

Sugatan ang isang 14-anyos na bata matapos masabugan ng hinihinalang bala ng M203 grenade launcher sa Barangay Rubang, sa bayan ng Laoang ng Northern Samar nitong Huwebes.

Ayon sa imbestigasyon, naglalaro ang biktima kasama ang isa pang bata malapit sa ilog nang matagpuan nila ang isang pink na bag kung saan nakasilid dito ang hinihinalang bala ng M203.

Nagtaka umano ang bata sa bala at ipinukpok niya ito sa puno kaya sumabog.

Nasugatan ang bata sa tiyan, at agad siya nadala sa pagamutan.

Sa impormasyon ng pulisya, liblib na barangay at may problema sa mga rebelde ang pinangyarihan ng insidente kaya nakikipagtulungan na ang mga pulis sa militar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.