17 sugatan sa karambola sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2019 01:03 AM | Updated as of Dec 20 2019 08:59 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA (UPDATE)—Sugatan ang 17 katao sa karambola ng mga sasakyan bago makarating sa NLEX Sta. Rita exit southbound Huwebes ng gabi.

Kritikal naman ang lagay ng driver ng UV Express sa ospital.

Tinatayang 22 ang nakasakay sa UV Express na may kapasidad lamang ng 18 katao, anggulong tinitignan ng mga pulisya na overloading.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, biglang bumagal ang pickup at sports utility vehicle (SUV) sa harapan ng UV Express kaya ito inabot.

Ayon naman kay Police Maj. Leonard Lim ng Philippine National Police Malolos, hindi agad nakapreno at nagkatamaan ang mga sasakyan.

Sa lakas ng impact, nabasag ang windshield ng UV Express at naipit ang driver nito.

Kakasuhan ang driver ng reckless imprudence resulting in multiple physical injuries at damage to property.—Ulat nina Arra Perez at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.