PatrolPH

Sanggol na tumilapon sa aksidente sa Silay City, pumanaw na

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 01:28 PM | Updated as of Aug 01 2019 12:02 PM

Sanggol na tumilapon sa aksidente sa Silay City, pumanaw na 1
Pumanaw na ang sanggol sa aksidenteng ikinasugat rin ng kaniyang mga magulang sa Silay City, Negros Occidental. Larawan mula sa Silay City Police.

SILAY CITY, Negros Occidental - Pumanaw na ang 2-buwang gulang na sanggol na tumilapon matapos banggain ng isang kotse ang tricycle na sinasakyan ng kaniyang pamilya noong Lunes.

Ayon kay Supt. Noel Polines, hepe ng Silay City Police, ipinaalam sa kanila ng tiyahin ng sanggol na pumanaw ito ilang oras makaraan ang aksidenteng ikinasugat rin ng kaniyang mga magulang na sina Rey Aventura at Julie Pechera.

Watch more on iWantTFC

Nabalian ng paa si Pechera habang sugat sa ulo ang natamo ni Aventura na siyang nagmaneho ng tricycle.

Patuloy silang ginagamot sa ospital.

Pareho umanong patungong hilaga ang direksiyon ng kotse at tricycle.

Pero nabangga ng kotse ang likuran ng tricycle, dahilan para tumilapon si Aventura at ang mag-ina nito.

Napag-alaman din ng pulisya na naka-inom ang driver ng kotse na isang doktor. Dinala rin siya sa pagamutan matapos masugatan sa mukha at makaramdam ng paninikit ng dibdib.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.