Ilang gulay sa Novaliches Public Market, 'bagsak-presyo' na

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 12:57 PM

Bagsak-presyo na ang ilang klase ng gulay sa Novaliches Public Market nitong Huwebes, limang araw bago mag-Pasko.

Narito ang presyuhan sa ilang gulay sa naturang palengke:

• Cauliflower → P70 mula P150
• Repolyo → P70 mula P100
• Pechay Baguio → P80 mula P100
• Carrots → P70 mula P80
• Patatas → P70 mula P80
• Talong → P60 mula P80
• Ampalaya → P70 mula P100

Samantala, walang galaw ang presyo ng bawang at sibuyas na nasa P80 pa rin kada kilo.

Pareho lang din ang mga presyo ng manok na nasa P140 kada kilo, baka na P320 kada kilo, galunggong na P150 kada kilo, at bangus na P180 kada kilo.

Samantala, tumaas naman ang presyo ng tilapia na nasa P120 mula P80 kada kilo noon.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.