Hinihinalang miyembro ng NPA, inaresto sa Sagay City

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 06:43 PM

SAGAY CITY - Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa lungsod na ito Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa pulisya, may kasong double murder at frustrated murder ang 40-taong gulang na si Ricky Cañete.

Sangkot umano si Canete sa kasong pagpatay sa dalawang magsasaka at pagkasugat ng isa pang magsasaka noong Mayo 22, 2016 sa Barangay General Luna dito.

Ayon kay Chief Insp. Antonio Benitez, hepe ng Sagay City Police, pinagbabaril ng grupo ni Cañete ang isang bunkhouse ng mga magsasaka noong 2016 kung saan dalawa ang namatay at isa ang nasugatan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.