Barangay kagawad sa Sagay City natagpuang patay

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 09:41 PM

SAGAY CITY - Isang kagawad ng barangay ang natagpuang patay sa lungsod na ito Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa pulisya, patay na nang matagpuan si Barangay Dian-ay Kagawad Maximo Talbo Jr., na may tama ng bala sa ulo.

Natagpuan ang kaniyang bangkay sa Barangay Poblacion 1. Nakuha rin sa lugar ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 na baril.

Dagdag pa ng pulisya, hindi na nakauwi sa kanilang bahay si Talbo Martes ng gabi.

Pulitika ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng pulisya na motibo sa krimen.

Tinututukan rin nila ang anggulong may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpaslang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.