Retiradong pulis, patay sa pamamaril sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2017 02:10 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patay ang isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin Martes ng gabi sa Barangay Mayamot sa Antipolo City.

Kinilala ang biktima na si Senior Supt. Ruel Pama, 59 taong gulang at dating direktor ng PNP Internal Affairs Service.

Ayon sa kinakasama nito, pauwi na sana sila sa kanilang bahay sa San Mateo, Rizal nang mangyari ang insidente.

Dumaan sila sa lugar para bumili ng ulam. Nang pasakay na si Pama sa kanilang sasakyan ay bigla na lamang itong nilapitan ng salarin at saka binaril nang malapitan.

Binaril ulit ng salarin si Pama sa ulo habang nakabulagta na sa kalsada, na naging dahilan nang agaran nitong pagkamatay.

Away sa lupa ang tinitingnang motibo ng mga kaanak ng biktima dahil may nakaalitan umano ito sa kanilang tinitirhan sa San Mateo. -- ulat mula kay Ron Lopez, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.