Binibigyan ng cash cards ang mga benepisyaryo ng CCT program na layuning magbigay ayuda sa mga pinakamahihirap na pamilyang Pilipino.
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makatatanggap ng P200 umento sa ayuda ang mga benepisyaryo ng conditional cash transfer (CCT).
Ayon sa DSWD, popondohan din ito ng malilikom mula sa isinabatas na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).
Gayunman, sinabi rin ng DSWD na nakadepende ang umento sa ayuda kung kailan din magsisimulang maramdaman ang dagdag- kitang inaasahan ng gobyerno mula sa TRAIN.
“Madadagdagan ang cash incentives, but I cannot say kung after six months from the money generated under the TRAIN law,” ani DSWD Assistant Sec. Aleli Bawagan.
Awtomatiko naman daw na ibibigay sa mga benepisyaryo ng CCT ang dagdag-ayuda oras na magkaroon na ng pondo para rito.
Ibibigay din ang dagdag-ayuda sa pamamagitan ng cash cards na puwedeng kubrahin sa ATM ng mga benepisyaryo ng CCT.
-- Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, balita, ayuda, buwis, Department of Social Welfare and Development , DSWD, conditional cash transfer, CCT, CCT program, Tax Reform for Acceleration and Inclusion, TRAIN