Abogado, bodyguard patay sa pamamaril sa Isabela

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2016 10:46 AM

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang abogado at ang bodyguard nito habang idinadaos ang Simbang Gabi sa Barangay Poblacion sa San Pablo, Martes ng madaling araw.

Dead on arrival sa pagamutan si Atty. Arland Castañeda ng Barangay Binguan habang dead on the spot naman ang hindi pa nakikilalang bodyguard nito.

Naganap ang pamamaril dakong alas-4:00 ng madaling araw. Patuloy ina iniimbistigahan ng pulisya ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.