Tricycle nabagsakan ng bakang nalaglag mula sa trak; 4 sugatan | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Tricycle nabagsakan ng bakang nalaglag mula sa trak; 4 sugatan

ABS-CBN News
Published Dec 19, 2022 06:10 PM PHT
MAYNILA — Sugatan ang apat na tao matapos na mabagsakan ng isang bakang nahulog sa trak ang sinasakyan nilang tricycle sa national highway sa Barangay Madulao sa Catanauan, Quezon Linggo ng gabi.

Ayon sa report ng Catanuan police, magkasalubong na tumatakbo ang tricycle na may sakay na 8 tao at ang truck na kargado ng mga baka. Nang eksaktong magkatapat ang 2 sasakyan, tumalon ang isa sa mga baka.

Sumalpok ito sa unahang bahagi ng tricycle.

Nasugatan ang magkakapamilyang sakay ng tricycle na sina Sheryl Tesalona Rico, 41 anyos; Sheila Mae Garcia Tesalona, 23, at Teresita Garcia Tesalona, 65, na panay residente ng Mulanay, Quezon. Sugatan rin ang nagmamaneho ng tricycle na si Michael Castillo Batario, 41.

ADVERTISEMENT
Isinugod ang mga ito sa Bondoc Peninsula District Hospital dahil sa mga tinamong sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Hindi naman nasugatan ang 4 pang pasahero.

Nagtamo rin ng bahagyang sugat ang nalaglag na baka.

Nasa kustodiya ng Catanauan Police ang 20 anyos na drayber ng trak habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente at hinihintay kung magsasampa ng kaso ang mga biktima.

— Ulat ni Ronilo Dagos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT