PatrolPH

Top 4 most wanted sa kasong rape sa Taguig, timbog

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2021 01:47 PM

Timbog ang Top 4 most wanted suspect sa kasong rape sa Taguig nitong Sabado. 

Kinilala ng Southern Police District ang 53 anyos na suspek na si Freddie Uy Yack.

Ilang buwan na ring pinaghahanap si Yack bago siya nahuli sa manhunt operation na kinasa ng Taguig warrant and subpoena unit sa may Service Road, Manggahan Ave. sa Barangay Manggahan, Pasig City.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Taguig City Police ang suspek at walang piyansang inirekomenda ang korte.

—Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

KAUGANAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.