PatrolPH

3 patay, 1 sugatan sa banggaan sa Sorsogon

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2020 05:24 AM

3 patay, 1 sugatan sa banggaan sa Sorsogon 1
Nasawi ang tatlong sakay ng isang kotse matapos mabangga nito ang kasalubong na SUV sa Brgy. Milagrosa sa bayan ng Castilla, Sorsogon. Larawan mula kay Karren Canon

Nasawi ang 3 sakay ng isang kotse matapos mabangga nito ang kasalubong na SUV sa Barangay Milagrosa sa bayan ng Castilla, Sorsogon Biyernes ng tanghali.

Dalawang lalaki at isang babae ang nasawi na sakay ng kotse na lahat mga residente ng Sorsogon City. 

Ayon kay Police Capt. Jeronie Fartingca, hepe ng Castilla Municipal Police station, mula Sorsogon ang kotse at papuntang Albay nang mangyari ang aksidente.

Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na nawalan ng kontrol ang kotse matapos madulas sa pababang bahagi ng kalsada dahil sa malakas na ulan. Nag U-turn daw ang kotse kaya nakapasok sa linya ng kasalubong na SUV at bumangga. 

Sugatan naman ang driver ng SUV na patuloy na ginagamot pa ngayon sa ospital.--Ulat ni Karren Canon

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.