Pampasaherong bus nagliyab sa Samar; mga pasahero, ligtas

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2019 08:10 PM


Isang pampasaherong bus ang nagliyab Huwebes ng hapon sa bahagi ng Barangay Poblacion 2 sa bayan ng San Jorge sa Samar.

Ayon kay Police Captain Michael Ray Cañete, hepe ng San Jorge Police, galing Naval, Biliran ang bus at papuntang Maynila nang mangyari ang insidente.

Nang nasa bahagi na ng Barangay Poblacion 2, pumutok ang gulong sa kaliwang bahagi ng bus at bigla na lamang nagliyab.

Agad na rumesponde ang mga bombero at pulis, at agad ring naapula ang apoy.

Ligtas rin ang 53 pasahero ng bus na sinaklolohan ng lokal na pamahalaan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.