Chrislen Bulosan, ABS-CBN News
PADADA, Davao del Sur—Sarado pa rin ang halos lahat ng tindahan sa palengke sa Padada, Davao del Sur matapos mapinsala ng lindol noong Linggo.
May iilang napilitang bumalik sa puwesto matapos ang 3 araw na walang kita.
Kahit balot ng takot, nagbukas nitong Huwebes ang mag-asawang Magallanes.
"Bumalik na lang kami kasi wala na kaming pambili ng bigas," ani Loloy Magallanes.
Habang ang ibang nagtitinda ng karne, nagtayo ng bagong puwesto sa gitna ng kalsada dahil hindi na sila pinayagan pang makabalik sa loob ng nasirang gusali.
Mabilisan ang konstruksiyon ngayong papalapit na ang Pasko at marami ang mamimili para sa Noche Buena.
Apektado man ang kabuhayan ng mga taga-Padada, pero umaasa pa rin silang dahan-dahang makakabangon sa trahedya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, Regional news, business, vendors, market, livelihood, Padada, Davao del Sur, earthquake, quake, tremor, temblor