Kemikal sa paggawa ng shabu, nadiskubre sa fish factory sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2019 12:20 AM

Isang fish processing plant sa bayan ng Estancia sa Iloilo ang nadiskubreng may karga umano ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu nitong Miyerkoles.

Nadiskubre ang kemikal sa loob ng septic tank sa naturang planta.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na mayroong crystalline substance sa septic tank ng planta sa Barangay Bolaqueña.

Nang rumesponde ang mga awtoridad, aabot sa 118 na plastic packs ng nasabing kontrabando ang nakita.

Naiulat na dating inaarkila ng mga Taiwanese national ang planta.

Dinala na ang sample sa PNP Crime Laboratory para makumpirma ang kemikal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.