29 bote ng liquid marijuana, nasabat sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2019 03:00 AM

PASAY—May 29 bote ng liquid marijuana ang nasabat ng Bureau of Customs nitong Miyerkoles sa Central Mail Exchange Center, Pasay City.

Ayon kay Gerard Javier, hepe ng Ninoy Aquino International Airport Interagency Drug Interdiction Task Group, nadiskubre ang kontrabando sa isang package na mula sa Utah, US. 

Agad inaresto ang babaeng tumanggap ng package. 

Depensa niya, ginagamit na panggamot ang marijuana oil na nagkakahalaga umano ng isang libong piso kada bote.

Gayunpaman, giit ni Javier, ipinagbabawal pa rin sa bansa ang medical marijuana legal man sa ibang bansa.—Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.