50 dating miyembro ng NPA balik-loob sa pamahalaan

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2018 05:28 PM

MALAYBALAY, Bukidnon - Nasa 50 dating miyembro ng New People's Army (NPA) ang nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa bayang ito Miyerkoles.

Mga NPA regular members at Militia ng Bayan ang mga sumuko na tumanggap ng P15,000 immediate assistance at P65,000 bilang kanilang livelihood assistance.

Nasa 26 na iba't ibang uri ng armas din ang kanilang isinuko na babayaran ng pamahalaan depende sa uri at kalidad nito.

Ngayong taon, umabot na sa 197 ang sumukong miyembro ng NPA sa probinsiya.

Nasa higit 8,000 naman ang kabuuang bilang ng mga sumukong rebelde sa buong bansa simula nang umupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Bahagi ang programa ng kampanya laban sa mga rebeldeng komunista na umigting matapos ang pagpalya ng usapang pangkapayapaan sa gitna ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.