Lalaking nakulong dahil nagnakaw ng corned beef, nakapagpiyansa

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2017 12:01 PM | Updated as of Dec 19 2017 12:03 PM

Nakalabas na sa kulungan ang 21-anyos na lalaking nagnakaw ng isang lata ng corned beef mula sa isang malaking grocery matapos magpiyansa, Lunes ng hapon.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, isa sa mga nangampanya para palayain ang lalaking nagnakaw dahil sa gutom, nagpiyansa ang ina ni Paul Mathew Tanglao bandang 5:30 ng hapon.

"Sinundo na po siya ng nanay niya. He’s out of jail already," sabi ni David sa isang pahayag sa Facebook.

 

Nakulong si Tanglao noong nakaraang linggo matapos ireklamo ng isang babae nang mahuli na kumuha ng isang lata ng corned beef na nagkakahalaga ng P31.50.

Depensa naman ni Tanglao, nagutom lang umano siya habang nagtatrabaho kaya kumuha siya ng de lata at kinain ito sa loob ng warehouse ng mismong hypermarket.

Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.