ALAMIN: Mga mawawalan ng kuryente sa Cavite Martes ng gabi

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2017 02:03 PM

Ilang lugar sa Cavite ang makararanas ng brownout ngayong Martes, Disyembre 19.

Dahil ito sa Meralco maintenance at pagkakabit ng linya ng kuryente sa Imus.

Partikular na mawawalan ng kuryente ang mga nasa Tamsuy Avenue na sakop ng Barangay Bayan Luma 3.

Mangyayari ang brownout mula alas-11 ng gabi ngayong Martes hanggang alas-4 ng madaling araw ng Miyerkoles.

Nawalan na rin ng kuryente nitong Lunes ang mga bahay sa Tanza at Trece Martirez dahil naman sa testing works ng Meralco.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.