2 sugatan sa banggaang nagpatukod ng trapik sa SLEX

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2017 04:12 PM | Updated as of Dec 19 2017 08:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dalawa ang sugatan matapos magbanggaan ang trailer truck at sasakyan sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) Martes ng hapon.

Bumalagbag ang isang trailer truck sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) Martes ng hapon at nagdulot ito ng matinding pagsisikip ng trapiko.

 

Nakuhanan ni Alex Sison ang nakabalagbag na trak sa kalsada, kung saan makikita ang mistulang pag-rescue sa sakay ng sasakyan. 

Sa kuha naman ni Mar Mandi Dalas, makikita pa ang tao sa loob ng trak.

 

Nakuhanan din ni Asi Mohamedin ang pinangyarihan ng aksidente habang makikita naman sa kuha ni Mae Casspi ang pagdating ng mga ambulansiya sa lugar.

 

 

Ayon kay Barbara Aragon, tagapagsalita ng SLEX, pasado alas-2 ng hapon nang maaksidente ang trak sa bahagi ng highway bago ang Southwoods exit sa hindi pa malinaw na dahilan. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Dagdag pa niya, isang trailer truck at isang Class 1 vehicle ang nagbanggaan sa lugar. 

Hindi na rin aniya madaanan ang buong southbound lane kaya nagbukas na sila ng dalawang lane sa northbound ng SLEX para sa counterflow. 

Umabot na rin aniya sa 9.7 kilometro o hanggang Alabang Viaduct ang traffic na nararanasan sa lugar. 

Nakuhanan pa ni Paul Jenser Banayo ang sitwasyon ng trapiko sa kalsada kung saan bumalagbag ang trailer truck.

Photo courtesy of Paul Jenser Banayo

Photo courtesy of Paul Jenser Banayo

Photo courtesy of Paul Jenser Banayo

Alas-5 ng hapon ng buksan ang lahat ng lanes matapos ang isinagawang clearing operation sa lugar.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa insidente.

--Ulat mula kay Zandro Ochona, ABS-CBN News.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.