TINGNAN: Barracks ng Task Force Edsa, pinasinayaan

Henry Atuelan, DZMM

Posted at Dec 19 2016 12:11 PM

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald "Bato" Dela Rosa ang pagpapasinaya ng Task Force Edsa barracks sa Camp Crame, Lunes.

Magsisilbi ang baracks na pahingaan ng mga hindi naka-duty na tauhan ng PNP Highway Patrol Group (HPG).

Bukod sa naturang gusali, itatayo rin sa loob ng kampo ang HPG Building na magsisilbing one-stop shop ng Task Force Edsa at monitoring center para sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.

Pinangunahan nina Dela Rosa at HPG director Chief Superintendent Antonio Gardiola ang groundbreaking ng apat na palapag na HPG building.

Binasbasan din sa programa ang mahigit sa 100 motorsiklo ng HPG.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.