TINGNAN: Ilang bahagi ng Davao de Oro binaha dahil sa bagyong Vicky

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2020 02:39 PM

TINGNAN: Ilang bahagi ng Davao de Oro binaha dahil sa bagyong Vicky 1
Nalubog sa baha ang ilang lugar sa Davao de Oro dahil sa pag-ulang dala ng Tropical Depression Vicky. Larawan mula kay Maricel Dag-uman

PANTUKAN, Davao de Oro - Binaha ang ilang lugar sa Davao de Oro dahil sa pag-ulan simula pa Huwebes na dala ng Tropical Depression Vicky.

Sa Riverside, Barangay Napnapan, binaha ang mga pananim at mga bahay.

Ayon kay Maricel Dag-uman, abot-tuhod ang lalim ng tubig nang umapaw ang ilog.

Makikita rin sa mga larawan ang pag-alis ng ilang residente sa kanilang mga tahanan. Ang iba naman ay isinalba ang ilang gamit at hayop.

Iniulat din ng pamahalaang lokal na inilikas ang higit 100 na residente sa mga paaralan matapos bahain ang tatlong barangay sa bayan ng Nabunturan.

Mayroon ding ilang residenteng binaha pero hindi pa lumikas.

Inanunsyo rin sa social media na suspendido ang trabaho at klase sa mga bayan ng Montevista, Nabunturan, at Monkayo sa Davao de Oro.