Kalsada sa bayan ng Monkayo 'di madaanan dahil sa landslide

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2020 12:39 PM

Watch more on iWantTFC  Video mula kay Johnmer Mabaslay

MONKAYO, Davao de Oro - Natabunan ng gumuhong lupa ang kalsada sa Purok 6, Sitio Depot Barangay Upper Ulip sa nasabing bayan dahil sa pag-ulan na dulot na rin ng bagyong Vicky.

Sa video ni Johnmer Mabaslay, makikita ang makapal na lupa na tumabon sa kalsada. Dahil dito, ilang motorista at mga residente ang na-stranded.

Sinubukan din ng ilan na linisin ang lupa gamit ang pala, pero hindi kinaya dahil sa kapal ng putik.

Nag-iingat din ang mga na-stranded dahil baka masundan ang pagguho dahil sa malambot na ang lupa.

Halos walang tigil ang pag-ulan simula pa Huwebes sa Davao de Oro at malaking bahagi ng Davao region dahil sa paparating na bagyo.