TINGNAN: Pagguho ng bahay sa lindol, nakunan ng CCTV

Vina Araneta, ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 04:49 PM

Watch more in iWantTFC

Kuhang-kuha ng CCTV ang pagguho ng dalawang palapag na bahay sa National Housing Authority (NHA) sa Poblacion sa Matanao, Davao del Sur sa lindol na naganap noong Linggo.

Sa CCTV na pagmamay-ari ni Roy Canton, makikita ang tuluyang pagguho ng bahay.

Ang kapitbahay ng pamilya Canton na si Jessie Perez ang may-ari ng bahay na gumuho.

Napag-alaman na kasalukuyang pinapaayos ang naturang bahay na nagkabitak-bitak sa mga nakaraang lindol.

Wala naman ang pamilya ni Perez nang gumuho ang kanilang bahay. Suwerte rin na wala sa loob ang mga trabahador dahil nagmemeryenda ang mga ito sa labas ng bahay nang lumindol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.