Ilang bahay, estruktura sa Leyte, nasira matapos tamaan ng ipo-ipo

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 11:26 PM | Updated as of Dec 18 2019 11:50 PM

Ilang bahay at estruktura sa bayan ng Dulag sa Leyte ang nasira matapos na tumama ang ipuipo nitong Martes.

Sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Dulag, nangyari ang ipuipo alas 4:30 ng umaga sa Barangay Sabang kasabay ang malakas na buhos ng ulan.

Pansamantalang nawalan ng suplay ng kuryente ang barangay at naapektuhan din ang public address system.

Aabot sa 70 na puno ng saging ang natumba kasama na rin ang ilang punongkahoy.

Wala namang residenteng naiulat na nasaktan.

Agad nakipagtulungan ang municipal disaster risk reduction and management council sa electric cooperative para maibalik ang suplay ng kuryente sa barangay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.