Empleyado sa Pasay City Hall, arestado sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 06:49 AM

PASAY —Isang empleyado sa Pasay City Hall, kasama ang kanyang Grade 11 na anak at isang pang kasamahan, ang arestado sa isang buy-bust operation, Martes, sa Pasay matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P200 libo.

Sampung taong nang naninilbihan bilang driver ng Pasay City Rescue ang suspek.

Nasa drugs watchlist ang anak ng suspek, kasama ang isa pa nitong kababatang kasabwat umano sa pagtutulak ng droga.

Ayon kay Zeus Rex Magdasoc, imbestigador ng Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit, ginagamit umano ng suspek at ng anak ang posisyon nito sa city hall para hindi maiulat ang ilegal na aktibidad. 

Aabot sa P186 libo ang halaga ng 27.4 gramo ng hinihinalang shabu na kumpiskado sa loob ng krimen. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.