Bayanihan: Lalaki sinagip sa Padada matapos madaganan noong nakaraang lindol

Andoreena Causon, ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 05:18 PM | Updated as of Dec 18 2019 05:22 PM

PADADA, Davao del Sur - Nagtulungan ang mga residente at mga awtoridad sa pagsagip sa isang construction worker na nadaganan ng bahagi ng isang water reservoir sa Barangay Quirino sa bayan na ito nitong Linggo.

Sa Facebook video ni Cosme Kevin, makikita ang pagtutulungan para masagip ang construction worker na nadaganan matapos ang 6.9 magnitude na lindol na tumama sa Davao del Sur

Watch more in iWantTFC

Ayon sa isang residente, binabakbak ng 10 construction worker ang lumang reservoir nang biglang lumindol. 

Nakatalon umano ang tatlo sa mga ito at nagtamo ng minor injury habang 7 ang nadaganan ng semento at kasalukuyang ginagamot ngayon sa ospital.

Taong 1964 itinayo ang reservoir na nagtamo na ng mga bitak dahil sa sunod-sunod na lindol noong Oktubre. 

Tuluyang bumigay ito ng yumanig ang mas malakas na lindol noong Linggo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.