Bata patay matapos umanong sakalin sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 10:02 PM

Isang 11-anyos na bata ang patay matapos umanong sakalin sa Bago City sa Negros Occidental nitong Martes.

Ayon sa pulisya, ang kanyang 28-anyos na pinsan ay pinaghihinalaang may kinalaman sa pagkamatay ng bata. Inaresto na ang suspek.

Sa imbestigasyon, Martes ng umaga nang tumungo ang suspek sa bahay ng biktima. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa bahay.

Kinarga umano ng suspek ang biktima at dinala ito sa kapatid nito, na menor de edad din, dahil hindi na humihinga ang biktima.

Wala nang pulso ang bata nang maidala siya sa ospital.

Ayon sa pulisya, sinabi ng suspek na posibleng nasakal ang biktima sa duyan ng bahay nila.

Nagduda naman ang pulisya sa pahayag ng suspek dahil masyadong malaki umano ang mga pasa sa leeg ng biktima kung ikukumpara sa marka ng tali ng duyan.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.