Babaeng Korean, natagpuang naaagnas sa condo sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 06:55 PM | Updated as of Dec 18 2019 07:13 PM

Kuha ng Angeles City Police

ANGELES, Pampanga - Natagpuang naagnas ang isang babaeng Korean sa isang condominium unit sa lungsod na ito nitong Linggo.

Ayon sa pulisya, nakabalot ito ng kumot at nasa banyo ng naturang condo nang matagpuan. 

Tadtad umano siya ng saksak at pinaniniwalaang nasa 7 hanggang 10 araw na siyang patay.

Mismong live-in partner ng biktima ang suspek, na isa ding Korean at nangungupahan sa nasabing condo unit.

Dito mismo inaresto ng pulisya ang suspek na hindi lumabas
sa condo unit mula na gawin umano ang krimen.

Inaalam pa ngayon ang tunay na motibo sa pagpatay.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Korean desk liaison at Korean consular assistant sa Angeles para malaman ang background ng suspek, na kinasuhan na ng murder at nakakulong na.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.