Ama, pinatay at itinapon ng anak sa poso negro sa Capiz

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 10:55 PM

ROXAS, Capiz - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng isang poso negro sa Barangay Dinginan, Roxas sa lalawigan ng Capiz nitong Lunes.

Ayon sa hepe ng Roxas City Police na si Police Lt. Col. Ricardo Jomuad Jr., umamin ang anak ng biktima na siya ang nagtapon sa ama sa poso negro matapos patayin.

Sa ina umamin ang suspek, ayon sa pulis. 

Ayon sa ina nito, hindi niya masisi ang anak dahil sinasaktan umano ito ng ama noon. 

Paniwala ng pamilya, maaaring may problema sa pag-iisip ang suspek. 

Hindi na interesadong mag-file ng kaso ang asawa ng biktima dahil nag-file na sila ng affidavit of non-interest.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.