ALAMIN: Ruta para sa 2019 MMFF parade

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 06:34 AM

TAGUIG—Nagbigay na ng maagang abiso ang Taguig City government sa mga motorista kaugnay ng isasagawang taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) parade. 

Isasagawa ang parada ng mga float ng mga pelikula na kasali sa Disyembre 22.

Magsisimula ang parada ng alas-10 ng umaga at matatapos ng alas-7 ng gabi. Magsisimula ito sa Lakeshore Hall at magtatapos sa Mckinley West. 

Narito ang mga rutang hindi madaraanan ng mga motorista:

-ML Quezon mula Dr. A Santos hanggang MRT
-MRT Avenue mula ML Quezon hanggang Cuasay
-Cuasay mula sa MRT hanggang C-5
-C-5 Service Road kanto ng Cayetano Boulevard,

Papayagan namang mag-counterflow ang mga motorista sa mga lugar na ito:

-Upper Mckinley Road mula sa C-5 hanggang Lawton Avenue
-Lawton hanggang 5th Street
-Upper Mckinley hanggang Mckinley Parkway 
-32nd Avenue mula sa Mckinley Parkway hanggang 7th Avenue.

Ipapatupad ang stop-and-go traffic scheme sa mga daanang ito:

-C-5 hanggang Upper Mckinley 
-C-5 Service Road hanggang Sampaguita Bridge 
-Mckinley Parkway hanggang 26th Avenue.

Inaasahan na maibabalik sa normal traffic scheme pagkatapos ng parada alas-7 ng gabi.