ALAMIN: Mga kalsadang isasara para sa parada ng 2018 MMFF

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2018 05:12 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara ang ilang kalsada sa timog na bahagi ng Metro Manila sa Linggo, Disyembre 23, para bigyang daan ang parada ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Arra Perez. ABS-CBN News

Ayon sa MMDA, kabilang sa mga kalsadang isasara sa mga motorista ang mga sumusunod: 

  • Quirino Avenue mula Kabihasnan hanggang Manila International Airport (MIA) Road
  • Kabihasnan mula Dr. A. Santos Avenue hanggang Quirino Avenue
  • Dr. A. Santos Avenue (westbound lane) 
  • MIA Road (westbound lane) 
  • Macapagal Boulevard (northbound lane) 

Magpapatupad naman ng counterflow sa mga sumusunod na kalsada:

  • Dr. A Santos Avenue (eastbound) mula Sorena Avenue (Shopwise) hanggang Kabihasnan
  • MIA Road (eastbound) mula Quirino Avenue hanggang Macapagal Boulevard
  • Macapagal Boulevard (southbound) mula MIA Road hanggang Bradco

Magpapatupad ng two-way traffic scheme sa Airport Road mula Roxas Boulevard hanggang Domestic Road simula ala-1 ng hapon sa Linggo.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na umiwas sa mga naturang kalsada at planuhin nang maaga ang biyahe. --Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.