PatrolPH

Ilang taga-Las Piñas hinatiran ng Noche Buena packs

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2020 07:38 PM

Ilang taga-Las Piñas hinatiran ng Noche Buena packs 1
Naghandog ng Noche Buena packages ang ABS-CBN sa daang-daang pamilyang nakatira sa isang compound sa Las Piñas. ABS-CBN News

sa kaniyang pagbabalik mula sa evacuation center, may ipinaramdam na pag-asa ang natirang nakasabit na parol sa kanilang bahay.

"Nakakatuwa na hindi siya inanod," ani Lamonte.

"Ita-try ko na mapailaw pa siya, kahit 'yon lang ang simbolo ng Pasko," dagdag niya.

Kagaya ni Lamonte ang maraming residente ng Kholiz Compound sa Barangay Manuyo Uno, Las Piñas na sinisikap namnamin ang kapaskuhan sa gitna ng kawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

Kasama rito si Jerry Arellado na dating nagtitinda ng gulay at barker sa mga pampasaherong jeep.

"Nagtitiyaga ako, nilakasan ko ang loob ko para makapiling ko mga anak ko... at mabuhay sa mundo nang maayos ang aking pamilya," ani Arellado.

Watch more on iWantTFC

Taon-taon, nakapagpapasaya sa mga anak ni Arellado ang paglalagay ng dekorasyon sa kanilang maliit na parol.

Ito ang kahit papaano'y nagpagaan ng pakiramdam nila ngayon.

"Kahit anong mangyari, tuloy ang Pasko... kahit walang handa, magkakasama ang pamilya," ani Arellado.

Hangad naman ng barangay tanod at frontliner na si Moniko Asis ang masayang pagsasama-sama ng bawat pamilya sa kanilang lugar ngayong Pasko.

"Kahit hindi magarbo, basta ang mga tao ay makakain sila ng maayos talaga," aniya.

Naghatid ang ABS-CBN ng Noche Buena pack para sa 400 residente ng Kholiz Compound.

Nais pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na donor:

Ilang taga-Las Piñas hinatiran ng Noche Buena packs 2
Ilang taga-Las Piñas hinatiran ng Noche Buena packs 3
Ilang taga-Las Piñas hinatiran ng Noche Buena packs 4
Ilang taga-Las Piñas hinatiran ng Noche Buena packs 5
Ilang taga-Las Piñas hinatiran ng Noche Buena packs 6

Samantala, patuloy na nananawagan ang ABS-CBN para sa pagbabayanihan at pagtulong sa pagbangon ng mga naapektuhan ng bagyo. 

Ilang taga-Las Piñas hinatiran ng Noche Buena packs 7

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.