PatrolPH

2 miyembro umano ng Mokong crime group, patay sa engkuwentro sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2020 03:27 PM | Updated as of Dec 17 2020 05:00 PM

Patay ang 2 lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Antipolo City nitong Disyembre 17, 2020.

Patay ang 2 hinihinalang miyembro ng isang crime group matapos makabarilan umano ng mga pulis sa Barangay Inarawan, Antipolo City nitong Huwebes.

Padaan sana sa isang checkpoint sa Marcos Highway bandang alas-5 ng madaling araw ang 2 lalaking sakay ng motorsiklo na walang plate number, batay sa imbestigasyon ng pulisya.

Umiwas umano sila sa checkpoint at nagpaputok ng baril, kaya nagpapautok din ang mga pulis.

Watch more on iWantTFC

Nasawi raw sa engkuwentro sina alyas "Kelly" at "Roy," na mga miyembro umano ng Mokong Group.

Sangkot umano ang Mokong Group sa gunrunning, robbery, kindap-for-ransom at pangangalakal ng ilegal na droga sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, ayon sa pulisya.

Ayon kay Col. Villaflor Bannawagan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group, naglagay sila ng checkpoint matapos makatanggap ng ulat na magsasagawa ng hold-up sa lugar ang mga nasawing lalaki.

Narekober sa crime scene ang isang pistol, sub-machine gun, at mga bala

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.