Pulis tinambangan sa Taguig, patay

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2019 05:02 AM

MAYNILA—Dead on the spot ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin habang pauwi sa Taguig City.

Ayon sa paunang ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nagtamo ng mga tama ng bala sa iba't ibang parte ng katawan ang biktimang si Police Master Sgt. Napoleon Zamora.

Nagmamaneho ng motorsiklo ang 45 anyos na biktima at pauwi na ng biglang pagbabarilin ng 4 na lalaki sa MLQ St. sa Bagumbayan. Agad tumakas ang mga salarin.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay kay Zamora na nakadestino sa regional headquarters support unit ng Camp Bagong Diwa.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.