9 patay sa karambola sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2019 08:12 AM | Updated as of Dec 17 2019 07:41 PM

Nagbanggaan ang 3 sasakyan sa Cardona, Rizal, dahilan para masawi ang hindi bababa sa 9 katao ngayong Martes. Larawan mula kay Rhob de Jesus

Nagbanggaan ang 3 sasakyan sa Cardona, Rizal, dahilan para masawi ang hindi bababa sa 9 katao ngayong Martes. Larawan mula kay Rhob de Jesus

Nagbanggaan ang 3 sasakyan sa Cardona, Rizal, dahilan para masawi ang hindi bababa sa 9 katao ngayong Martes. Larawan mula kay Rhob de Jesus

(UPDATE) Siyam ang patay at 5 ang sugatan sa salpukan ng isang pampasaherong jeep at 2 truck sa Cardona, Rizal nitong umaga ng Martes.

Nawalan ng preno ang isang dump truck na galing Morong, Rizal kaya tuluyan nitong sinalpok ang isang truck at jeep na bumibiyahe sa Laguna Lake Development Authority national road, base sa inisyal na imbestigasyon ng Cardona police.

Watch more in iWantTFC

Nagtuloy-tuloy ang dump truck hanggang sa bumangga umano sa poste at nahulog sa bangin.

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Pablo Ramos, John Lester at Jimbert Lambrinto, Jan Brian Madaya, Maximo Julian, at Elizabeth Rios. Wala pang pagkakakilanlan ang 3 iba pa.

Kasama naman sa mga nagtamo ng mga sugat ang driver ng nasalpok na 22-wheeler truck at driver ng pampasaherong jeep.

Tiniyak naman ng pamahalaang lokal ng Cardona na magpapaabot ito ng tulong sa mga nasawi, ayon sa vice mayor na si Gil Pandac.

Watch more in iWantTFC

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and serious physical injuries ang 2 nakaligtas na driver.

Nakikipag-ugnayan na rin sa pulisya ang may-ari ng truck na nahulog sa bangin.

Bukod sa tulong-pinansiyal, katarungan din ang hiling ng mga kaanak ng mga biktima. -- Ulat nina Angel Movido at Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.