10 tiklo sa droga sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2019 05:07 AM

MAYNILA—Arestado ang 7 lalaki at 3 babae sa magkakahiwalay na buy-bust operasyon sa Pasay City.

Ayon kay Police Capt. Deni Mari Pedrozo ng Pasay City police, nakatanggap sila ng sumbong na may mga parking attendant na nagtutulak ng droga sa Macapagal Boulevard. 

Nagsagawa sila ng operasyon at nahulihan ang 2 lalaki na may mahigit P14,000 na halaga ng droga. 

Nagsumbong ang 2 suspek at itinuro kung sino ang supplier nila. Sa follow-up operation, nahuli ng mga pulis ang 18 anyos na lalaki na nakuhanan ng hinihinalang shabu na may street value na P612,000.

Nagsagawa rin ng mga buy-bust operation sa Villamor at sa Maricaban. Nakuha naman ang mahigit P200 ng droga sa 7 suspek.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.