Military truck tumagilid sa Zamboanga Sibugay; apat sugatan

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2018 12:41 AM

IPIL, Zamboanga Sibugay - Sugatan ang apat na lalaki matapos tumagilid ang isang military truck sa bahagi ng national highway sa bayang ito Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat ng pulisya, binabaybay ng military truck na minamaneho ni Staff Sgt. Ralph Husain ang kahabaan ng national highway sa may Barangay Makilas sa bayan ng Ipil nang may isang van na nag-overtake sa convoy ng militar.

Pumreno si Husain para makaiwas sa banggaan. Dahil dito, tumagilid ang trak at nadaganan ang isang motor na nakaparada sa tabi ng kalsada.

Sugatan sa insidente si Husain at ang mga sakay nito na sina Private First Class (PFC) Lonie Magarao at PFC Khem James Cabarles.

Sugatan rin ang mag-ari ng motor na si Cristito Mariño Segovia.

Kasalukuyang ginagamot ang mga sugatang biktima.