Preso nakatakas sa QC jail

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2017 10:06 AM | Updated as of Dec 17 2017 03:10 PM

MANILA - (UPDATED) Nakapuga ang isang 18-anyos na preso ng Quezon City jail, Linggo ng madaling-araw, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology. 

May kasong carnapping at illegal possession of firearms ang nakatakas na si JR Manangquil, sabi sa DZMM ni BJMP spokesperson Senior Insp. Xavier Solda. 

Kapapasok lang aniya ni Manangquil sa Quezon City jail nitong Disyembre 7. Upang makatakas, umakyat siya sa spiral stairs at dumaan sa pader na malapit sa binabantayan ng isang pulis. 

Sinuspinde ang 7 jail guard para mabigyang-daan ang imbestigasyon sa insidente. 

Tinutugis na ang teenager habang inaalam pa kung nakipagsabwatan siya sa mga guwardya. 

Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.