Mag-asawa patay sa landslide sa Romblon

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2017 03:02 PM | Updated as of Dec 17 2017 04:37 PM

Nabaon sa lupa ang bahay ng 60-anyos na mag-asawa sa San Fernando, Romblon. Mimaropa police

SAN FERNANDO, Romblon - (UPDATED) Patay ang isang mag-asawa matapos matabunan ng lupa sa bayang ito sa kasagsagan ng pag-ulan na dulot ng bagyong "Urduja," Sabado. 

Nasa loob ng kanilang bahay sina Matilde at Masolinie Romero, kapwa 60 anyos, nang maguhuan ito ng lupa mula sa kalapit na bundok, alas-11 ng gabi, ayon sa pulisya.

Linggo na ng umaga nang madiskubre ng mga awtoridad ang insidente. Sinusubukan pa nila na marekober ang bangkay ng mga biktima.
 
Inaasahang magpapatuloy ngayong Linggo ang pagpapa-ulan ng bagyong Urduja sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
 
Ulat ni Noel Alamar at Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.