PatrolPH

#WalangPasok: Disyembre 16 dahil sa Bagyong Odette

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2021 01:47 PM

MAYNILA — Nag-anunsiyo ang ilang local government unit ng suspensiyon ng trabaho sa gobyerno at klase sa kanilang mga lugar ngayong Huwebes dahil sa banta ng Bagyong Odette.

Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar:

  • Iloilo City
  • Capiz 
  • Siquijor
  • Lapu-Lapu City, Cebu
  • Cebu Province
  • Samar
  • Ormoc City
  • Bohol
  • Davao de Oro (klase sa lahat ng antas)
  • Panabo City, Davao del Norte (trabaho sa gobyerno)

Patuloy na lumakas ang Bagyong Odette habang papalapit sa Bucas Grande-Siargao Islands and Dinagat Islands, sabi ng PAGASA sa 11 a.m. advisory nito.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa may Dinagat-Siargao-Bucas Grande sa pagitan ng ala-1 hanggang alas-3 ng hapon, ayon sa PAGASA.

Tatawirin ng bagyo ang Visayas ngayong gabi ng Huwebes hanggang magdamag saka lalabas sa Sulu Sea sa umaga ng Biyernes.

Dahil dito, matinding ulan ang mararanasan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.

— May ulat ni Katrina Domingo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.