Vaccination sites sa Davao City, sarado dahil sa bagyong Odette

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2021 11:26 AM

Sarado ang bakunahan sa Davao City dahil sa sama ng panahon na dala ng bagyong Odette.
Sarado ang bakunahan sa Davao City dahil sa sama ng panahon na dala ng bagyong Odette.

Sarado ang lahat ng vaccination sites sa Davao City ngayong Huwebes dahil sa orange rainfall warning bunsod ng bagyong Odette.

Suspendido din ang mga mobile vaccination sa lungsod.

Nakatakdang gawin naman ang ikalawang bugso ng Bayanihan Bakunahan mula Disyembre 20 hanggang 22 dahil sa banta ng sama ng panahon na dala ng bagyo.

Samantala, umarangkada naman ang 3 araw na national vaccination drive sa Tagum City, Davao del Norte sa kabila ng banta ng bagyo. Nagsimula ito noong Miyerkoles at magtatapos ng Biyernes.

Ayon sa pamahalaang lokal, dumarami ang mga residente na gustong magpabakuna laban sa COVID-19.

Siyam na vaccination sites ang bukas sa buong Tagum City na nag-aalok ng bakunang AstraZeneca para sa adults at Pfizer vaccines naman sa kabataan.

- Ulat ni Hernel Tocmo