Umabot sa halos limang oras ang pagsagip sa 50 anyos na si Roberto Janubas sa Sitio Alog, Lower Jasaan, Misamis Oriental Huwebes ng hapon.
Tulong-tulong ang mga rescuers ng Jasaan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Jasaan Municipal Police Station at mga residente na mahila sa pampang ng ilog si Janubas na na-stranded sa isang maliit na kubo.
Napunta siya sa kubo dahil inanod ng baha ang kanyang tirahan. Malakas na ulan ang hatid ng Bagyong Odette kaya umapaw ang tubig mula sa karatig na Cabulig River.
Photo courtesy of MCAD Jasaan MPS
Ilang beses sinubukan ng rescue team na malapitan si Janubas pero nabigo dahil sa lakas ng agos ng baha.
Alas-6 na ng gabi nang mailigtas si Janubas.
Nakisilong muna siya sa evacuation center sa Jasaan Central School.
- ulat ni PJ dela Peña
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Misamis Oriental, baha, bagyong Odette, typhoon Odette, Odette PH, Tagalog news